Hi Fellas!!! This is Jose Arvin...I would like to make friends with you and want to know a little bit of you... I created this web site for the purpose of posting things about myself. I hope you will explore this website and know a little bit more about me and the work that I do.
Saturday, June 18, 2005
payo ko sa kabataan...
masakit sa loob ko bilang isang pilipino ang nangyayari sa ating bayan....masakit ang loob ko dahil sa mga taong inakala ko na magiging mabuting lingkod bayan. binigay ko ang aking buong pusong pagtitiwala at pinag kaloob ko ang aking boto para sa kanila at ang adhikain ko lang ay maging isa silang mabuting tagapagtaguyod ng bayan ..anong nangyari sa aking inaasahan... wala...sinaktan lang nila ang bayan...dinurog ang puso ng inang bayan...ano na ang kanilang pangako na mamahalin nila at aarugain ang kapakanan ng inang bayan... kung mahal nila ang bayan dapat asikasuhin nila ang bayan ang kapakanan ng bawat isa...ng nakakarami..di sa kanilang pansariling kapakanan...away dito away doon parang ang dali sa pilipinas ang mag palit ng pamunuan sa pamahalaan pag ayaw nila at di sila mapag bigyan aalisin na lang parang mga laruan ang mga tao sa pamahalaan ano ba ang mga nagawa nila sa bayan ano na mula ng sila ay naupo bilang mga pinuno..senador, congressman, mayor at maging chairman..ano na? nag tatanong lang ako sa inyo bilang isang pilipino na nagmamahal sa inang bayan...ano na ang dapat natin gawin..sana magdasal tayo na maging maayos na ang bayan para umunlad na tayo...tapos na po ang eleksyon, bati bati na tayo pagtuunan na natin nga pansin ang bayan...ang mga umaasa sa pagbabago at asenso ng bayan...ang bayan ko at bayan mo ay iisa lang...ito ay ang bayang PILIPINAS... dito ako ,ikaw sila tayo isinilang sino ang mag mamahal sa bayan ko, bayan mo... bayan nila ... di ba tayo ring mga PILIPINO...ALAM KO may sarili tayong opinion at sariling paninindigan at sariling isip...unawain natin ang sitwasyon ng ating bayan...sino ang tama sino ang mali....huwag tayong humusga agad pag isipan natin at isipin natin ang tama at mali..salamat mga kaibigan ko at kababayan...salamat sa tamang paghuhusga sa bayan at sa ating pamahalaan....mabuhay ang mga kabataan .. tulungan natin ang bayan...!!! (pakiusap ng isang nag mamahal sa bayan...)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment